Friday, January 25, 2008

Liham Mula Sa Probinsiya

Dear Anak,

Naipadala ko na ang 50 thousand pesos na tuition fee mo, ipinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project na yun. kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo nag yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportable ka ba jan sa boarding house mo? san ba kamo yan… sa
VICTORIA COURT? - maganda ba dyan di ba mainit dyan. Anak, kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun.


Anak, sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo na SECRETARIAL, sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian natin sa sanglaan. Ay siya nga pala anak, di ba sabi mo sa JOLLIBEE at McDONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.

Anak hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.


Ang nagmamahal

Tatang at Inang

P.S. Anak mag aral ka ng mabuti…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home