Le Cirque by Gloria Arroyo
Mga kababayan silipin nga natin kung ano itong pinag iinitang mga kinain daw ni Kamahal-mahalang Pangulong Gloria
sa Le Cirque New York at ang kanyang mga kampon. Since na may ambag naman tayo (as a taxpayer )
dapat lng sigurong makita natin kahit sa picture man lang ang mga pagkaing nararapat daw para sa ating mga
honorable public servants.
Ang bill ng entourage ni Gloria sa Le Cirque
Golden Osetra Caviar . Sa Tagalog, kumpol-kumpol na itlog ng isda. Rare daw ito. Malansa at lasang bagoong, sabi ng iba. Kulay itim lang to pero
ang lasa siguro nito ay kagaya din ng itlog ng galunggong, di kaya? Php13,720/order
California Osetra Caviar . Kumpol-kumpol na itlog ng isda na mula sa California . Mas mura kesa sa Golden Osetra Caviar. P4,900/order
Le Cirque Salad . Pinaghalo-halong mga gulay tulad ng lettuce (wag kayong jologs, hindi [let-us] ang pronunciation nyan, kundi [let-is] , okay?)
…sige na nga litsugas nalang… ano pa ba yan? er…sibuyas, balat ng sibuyas, sitaw, mayana, dahon ng gumamela, etc… P1,078 lang yan
Le Cirque Lobster Salad . Merong lobster meat, pipino, avocado, kamatis, okra saka dahon ng sibuyas. P2,842 isang plato nyan
Le Cirque Tuna . Syempre merong tuna dyan (na posibleng galing sa GenSan), orange, sesame seeds, wasabe ata yung green paste sa ilalim,
anim na pirasong halamang ligaw (dami dito samin nyang dahon na yan!) saka ilang patak na orange sauce. P1,029 naba yang apat na hiwang yan?
Le Cirque Soft Shell Crab Tempura . Ngayon ko lang nalaman na meron palang crab na soft ang shell nya…ahihihihi…So ang ingredients dyan ay crab
saka harina tapos may kamote at ang paborito ni Popeye na spinach P1,078 /platter
Le Cirque Spring Pea Soup . Mga pataning pinaikot at pinalamutak sa blender para maging soup. A.k.a. Etchas ng baby P1,176 isang bowl?
Le Cirque Wild Burgundy Escargot . Pronounced as [es-kahr-goh] . Tandaan nyo yan para hindi kayo magmukhang enggot pag kumain kayo sa Le Cirque in the future, okay? Ang escargot ay kuhol. Madami nyan sa palayan kapag tag-ulan. Hmmm…sarap ng ginataang escargot! Kasama ng escargot dyan ay 2 munchkin donuts, makapuno, itlog ng isda saka ferns. Ito daw ang nagustuhan ni Senator Lapid dahil favorite nya ang kuhol. P1,421 grabeng mahal naman ng kuhol na yan!
Le Cirque Torchon of Foie Gras . Ang foie gras ay atay ng bibe or gansa. Ang pagbigkas nito ay [fwah-grah] . Ang torchon naman ay isang paraan ng pagluto ng foei gras na kung saan ibinabalot ito sa isang tuwalya at niluluto sa mainit na likido tulad ng alak o tubig. P1,715 lang naman yan
Paupiette of Black Cod . Ito’y manipis na piraso ng isda (black cod) na nirolyong parang shawarma at merong mga gulay sa gitna.
Paupiette is pronounced as [poh-pyet] . P2,401.00
Le Cirque Halibut Poached in Cocunut Milk. Halibut is pronounced as [hal-uh-buht] . Ito ay isang uri ng isda. Ang price P1,960
Dover Sole . Isa rin itong uri ng isda at ito rin ang pinakamahal sa main course na inorder ng ating mga public servant P3,675 wow na wow. Ano kaya ang lasa nyan, noh?
Le Cirque Saddle of Lamb . Ano ba ang saddle sa Tagalog. Hmmm…part daw ng backbone and loins. Eh ano yung loins sa Tagalog? Tadyang o pigi? Ay basta tupa lang yan! P2,548 naman yan
Krug Champagne . Sa sobrang sarap ng Krug, umorder sina Gloria ng labing-isang bote nito. Kulang-kulang Php 249,000 lang naman iyang 11 bottles na yan. Ilang ginbulag kaya ang mabibili sa Php 235k? Teka, downpayment na yan para sa isang kotse o bahay ah! Tsk…tsk…tsk…
Sorry wala yung pix ng ibang entrees.