Wednesday, December 03, 2008

Tangina nyo!

Araw-araw, bumabiyahe ako patungo sa Makati ng mahigit na isang oras mula sa Fairview. Pag sinwerte, isang oras din pabalik. Kung minalas malas at umulan ng malakas, eh baka abutin ako ng dalawang oras.
Tuwing akinsenas, kinakaltasan ako ng mahigit kumulang sa P3,000 bilang withholding tax. Halos P6,000 sa isang buwan. Kapag kinaltas ko ang renta sa bahay, kelangan pagkasyahin ko sa P7,000 and pagkain namin ng asawa ko at dalawang anak.
Dito ko rin kinukuha and pamasahe ko at pagkain sa opisina sa Makati.
Kapag iniisip ko mas malaki pa ang binabayad ko sa gobyerno kesa pinapakain ko sa pamilya ko. OK lang sana kung nakikinabang kami ng lubusan tulad ng healthcare, magandang public transportation system at maayos at murang edukasyon sa aking mga anak.
Ang masama lang eh me mga taong walang kaluluwa sa gobyerno na yung pinaghirapan ko na pampaginhawa sana sa buhay namin eh kinukuralot pa!.
Tangina nyo lahat Villar, Jocjoc Bolante, Gloria, Garci, FG, Erap, De Venecia! Sana pinambili ko na lang ng laruan o pagkain ng anak ko yung binabayad ko sa gobyerno na kinukurakot nyo lang. Kayo din Lito Lapid, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, mga walang silbi. Mamamatay din kayo tulad namin.
Ipasa po ninyo para umabot sa mga kurakot sa gobyerno. Huwag na po kayong matakot sa Diyos, matakot na lang kayo ke Satanas at inaabangan na kayo. TANGINA NYO!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home